Muling tinalo ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan si Davao City Mayor Sara Duterte sa Twitter vice presidential survey.
Sa isinagawang survey ng Manila Bulletin mula Enero 14 hanggang 17, 2022, napili ng 74% mula sa 45,434 respondents ang ka-Tropa bet bilang susunod na VP ng bansa.
Malayo ang distansiya nito mula kay Sara na nakakuha ng 16%.
Pangatlo naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may 4% habang pang-apat naman si cardiologist/viral vlogger Doc. Willie Ong na may 3% at panglima si Akbayan Representative Walden Bello na may 2%.
Kulelat naman si House Deputy Speaker Lito Atienza ng Buhay party-list na may 1%.
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!