September 8, 2024

KIEFER RAVENA AT DIANA MACKEY MAY RELASYON NGA BA?

Kumalat sa social media ang litratro at video nina Kiefer Ravena at actress-beauty queen na si Diana Mackey habang nagbabakasyon sa Siargao.

Kaya naman ang kasunod nito ang pagtatanong ng mga Marites kung may relasyon na nga ba ang dalawa?

Viral sa TikTok ang video ng isang netizen kung saan makikitang magkasama sina Kiefer at Diana habang nasa Afam bridge.

Makikita sa video na naglalakad si Diana habang nasa likuran niya ang Yokohama B-Corsairs guard na si Ravena.

Sa isa pang social media post, makikita namang magkatabi sina Kiefer at Diana habang nasa hita ng aktres ang kamay ng player.

May mga netizen naman na nagduda kung talagang may relasyon ang dalawa lalo pa’t umamin ang aktres sa isang interview na interesado siya na makipag-date sa kapwa babae!

Meron ding mga netizen ang nakaalala na ang flight attendant na si Kholeen Ortiz ang huling naka-date ni Kiefer. Maraming nagtatanong kung nauwi ba sa wala ang kanilang relasyon?