February 11, 2025

KICK-OFF MOTORCADE RALLY NG ‘ANG BUMBERO NG PILIPINAS’ PARTY-LIST RUMATSADA NA

Nagsagawa ng isang makasaysayang kick-off motorcade rally ang isang grupo ng party-list na kumakatawan sa mga fire at rescue volunteers sa buong Pilipinas kaninang umaga na nagsimula sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Maynila  bilang hudyat ng pagsisimula ng campaign period para sa darating na halalan ngayong Mayo 2025.

Mahigit na  200 sasakyan ng mga fire and rescue volunteers ang nakilahok kabilang ang  nasa 3,000  supporters mula sa ibat-ibang organisasyon na nagpakita ng suporta sa  Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) No. 134 sa balota .

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party list ay pinangungunahan ni  first nominee  Jose Antonio “Ka Pep” Goitia kasama ang iba pang  nominado na sina Leninsky Bacud, Catleya Cher Goitia, Jose Mari Alfonso Goitia, Carl  Gene  Moreno Plantado at Howie  Quimzon Manga.

Ayon kay  Ka  Pep Goitia  maghahain sila ng resolusyon para sa kapakanan  ng mga fire volunteers and rescuers  na katuwang sa  mabilis na pagtugon sa mga sunog,  sakuna at kalamidad  sa bawat komunidad sa ibat-ibang  sulok ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Ka Pep Goitia  na magsusulong sila ng batas para magkaroon ng benepisyo ang lahat ng firefighters, fire and rescue volunteers at iba pang volunteers

Layunin din ng kanilang grupo ang pagpapaulad ng kakayahan  ng bawat Pilipino at magkaroon ng sapat na kaalaman  sa pagtugon at paghahanda sa lahat ng kalamidad na darating sa ating bansa.

Ang campaign period  para sa mga tumatakbo sa  national position ay  tatagal ng 90  araw na mag uumpisa mula Pebrero 11 at magtatapos sa Mayo 10 alinsunod sa batas na ipinanukala ng Commission on Election (Comelec).

Sa opisyal na listahan ng Comelec, nasa 155 na party list group ang magtatangkang maglaban- laban  para makakuha ng  posisyon sa 63 bakanteng pwesto para sa Kongreso.