NAGPAKITANG-GILAS ang batang Pinoy pingponger sa higanteng International table tennis tilt sa Bangkok, Thailand
Humataw ng silver medal ang upcoming pingpong kid na si Khevine Keith Cruz sa ginanap na World Table Tennis Youth Contender Bangkok leg – Thailand sa kanyang dibisyon na nilahukan ng 11 nasyon.
Si Khevine na kababatang kapatid ni Philippine table tennis rising star Kheith Rhynne Cruz ay protege naman ni Philippine Table Tennis Federation, Inc, president Ting ‘Hotponger’ Ledesma.
Bukod kay Khevine, sumabak din ang ilang promising na kabataang pingpong potentials na sina Marcus Chavez, Zachi Miel Chua, Red Torres, at Carl Brent Chavez sa 11-under at 13-under division.
“Kay sarap lasapin ang tagumpay ng ating mga batang manlalaro na matatag ang mga loob kahit na lumalaro sila kontra pambato ng ibang bansa. Nakikinita natin sa kanila ang pag-asa ng Philippine Table Tennis na magbibigay karangalan sa bansa tulad ng ultimate goal ng ating elite national team. Starting them young,harvest national pride later”, sambit ni Ledesma na dati ring naging miyembro ng national table tennis men’s team bago naging pinuno ng national sports association (NSA) na PTTFI na nasa payong ng Philippine Sports Commission .
“These young potential heroes in the near future truly deserve ‘malasakit at kalinga’ from all concerned” ani pa Ledesma. Pinadapa ni Khevine si Thankrit Choompowsat ng Thailand sa quarterfinals matapos ay dinaig niya ang pambato ng Malaysia na si Lai Yong Ren sa semifinals.Si Vatsai Duklan ng India ang humablot ng gintong medalya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA