Impresibo ang naging laro ni Brooklyn nets star Kevin Durant sa preseason game ng NBA. Bumida si Durant sa panalo ng Nets kontra Washington Wizards, 119-114.
Bumuslo si Durant ng 15 points sa loob ng 24 minutes na paglalaro. Ito rin ang una niyang laro sapol nang matengga ng halos isa’t kalahating taon.
“It felt great. Everybody’s texting and calling and asking me how I’m feeling,” sabi ni Durant.
Mapapansing suot nito ang no.7 jersey mula sa number 35. Na ginamit niya (35) noon sa Oklahoma City at Golden State.
Nagtala naman si Kyrie Irving ng 18 points sa loob ng 17 minutes na paglalaro.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT