November 5, 2024

Kelot timbog sa P6.8-M shabu sa Cavite

GENERAL TRIAS CITY, CAVITE – Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group (DEG), Special Operations Unit (SOU 4B) General Trias City Police Station at Cavite Provincial Police Office-Provincial Drug Enforcement Unit (CPPO-PDEU) ang mga pinaghihinalaang iligal na droga na nagkakahalaga ng P6.8 milyon  sa isinagawang anti-illegal drugs operation dakong alas-1:00 kahapin sa sa Blk 54 Lot 1, Phase 3 Tierra Solana, Brgy. Buenavista 3 sa nabanggit na bayan.

Kinilala ang suspek na si Alvin Makalay, 29, tubong Maguindando at kasalukuyang residente sa naturang bayan.

Ayon sa ipinadalang report ng Cavite Provincial Police Office sa opisina ni Calabarzon PRO 4A Regional Director P/Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., naaresto ang suspek matapos na makipagtransaksyon sa mga otoridad na naglatag ng nasabing operasyon at nakuha sa posisyon ng suspek ang 17 ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mga pinaghihinalaang shabu na may bigat na isang kilo at meron estimated market value na P6,800.000, isang 9mm Berreta Firearm na merong serial number M274.86Z, dalawang magazine na may 11 ammunitions, sampung bundles ng boodle money na may genuine P1,000, isang Android Phone, isang itim na pouch bag, isang orange na paper bag, isang kulay itim na weighing scale, isang maliit na puting kahon at isang identification card.

Mahaharap ang nakakulong ng suspek sa mga  kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republc Act 9165 (Dangerous Drugs Act Law of 2002). (KOI HIPOLITO)