Nasa malubhang kalagayan ang isang lalaki matapos umanong kursunadahin pagsasaksakin ng hindi kilalang grupo ng kalalakihan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Ronald Saranilla, 43 ng 16 Adalia St. Brgy. Longos.
Sa report nina police investigators PSSg Ernie Baroy at PSSg Diego Ngippol kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Blk 12, Hito St. Brgy. Longos.
Lumabas sa imbestigasyon, nagtungo ang biktima sa naturang lugar upang makipagkita sa isa niyang kaibigan nang lapitan ito ng isang grupo ng hindi kilalang kalalakihan saka kinompronta bago pinagsasaksak sa iba’t-ibang parte ng katsan.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa Ospital ng Malabon at kalaunan ay inilipat sa naturang pagamutan. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA