
Nahaharap ngayon sa frustrated murder homicide ang isang 32-anyos na lalaki kasunod ng pag-aresto sa kanya ng Manila Police District hinggil sa illegal na droga.
Nahuli sa aktong nakikipag-transaksyon sa Tondo, Maynila nitong Miyerkules si alyas ‘Jarson,’ residente ng Calamsi Street sa Tondo.
Ayon sa MPD-Roxabago Police Station 1, naaresto ang suspek dakong alas-10:30 ng gabi sa Duhat Street.
Nabatid na nagsasagawa ng operasyon ang pulisya sa kanilang area of responsibility nang mamataan nila ang suspek na nagbebenta ng ilang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu sa isang buyer.
Nang matunugan ang presensiya ng mga awtoridad, agad na tumakas ang suspek na hinabol ng mga pulis.
Nabatid na bumunot pa ang suspek ng baril at pinaputukan ang mga humahabol na pulis na gumanti rin ng putok pero hindi ito tinamaan.
Narekober ng pulis sa suspek ang .9mm Pietro Berreta na may 13 bala at 13 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na may lamang shabu na nagkakahalaga ng P20,400.
Nakatakas naman ang nasabing buyer.
Kinasuhan ang suspek ng frustrated homicide at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms. (ARSENIO TAN)
More Stories
Sen. Cynthia Villar, pinangunahan ang inagurasyon ng Villar School of Performing Arts
LOTTENG NI BONG SOLA LARGADO SA RIZAL (PNP-One strike policy nganga!?)
ASEC MENDOZA PINURI ANG NAGING HATOL SA 6 FIXERS SA CAGAYAN