Swak sa kulungan ang isang binata matapos makuhanan ng marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew sa Caloocan City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at Article 151 of RPC ang naarestong suspek na kinilalang si Gerkin Peter Viray Jr, 19 at residente ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Caloocan City Police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina Jr, sa kahabaan ng Asuncion St, Brgy. 82, Morning Breeze nang maispatan nila ang suspek na gumagala sa lugar na malinaw na paglabag sa curfew.
Nang lapitan ng mga pulis para hingin ang kanyang pagkakilanlan at isyuhan ng ordinance volation receipt (OVR) ay biglang hindi napalagay ang suspek saka tinangkang tumakas na naging dahilan upang habulin siya ng mga parak hanggang sa makorner.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 12.65 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na tinatayang nasa P1,518.00 ang halaga.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA