BAGSAK sa kulungan ang isang construction worker na listed bilang most wanted sa kasong murder matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si Restituto Macauyam Faballa alyas “Buloktoy”, 41 ng Sanflower St., Brgy., 177.
Sa report ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhah ng Caloocan Police Sub-Station 10 na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar.
Dahil dito, kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng SS10 sa pangunguna ni P/Major Ramil Pillos ng pagsisilbi ng warrant of arrest na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado sa kanilang bahay dakong alas-11:00 ng umaga.
Ani Major Pilos, ang akusado ay pinosasan nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 128, para sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Sub-Station 10 Custodial facility habang inihahanda ang lahat ng kinakailangang dokumento bago ang pagbabalik ng warrant sa korte.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag