ISANG lalaki ang arestado matapos mabistong mayroon siyang warrant of arrest makaraang kumuha ng police clearance sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Zandro Saligumba, 38 ng Blk 6 Lot 15 Champaca St., Brgy. San Roque, Navotas City.
Ayon kay Col. Ollaging, kumuha ng police clearance si Saligumba sa Navotas City Police Station subalit, nadiskubre ng pulisya na mayroon siyang warrant of arrest kaya kaagad itong ipinaalam sa mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS).
Alinsunod sa kampanya ng PNP laban sa mga wanted person, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS at Sub-Station ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Saligumba dakong alas-2:45 ng hapon sa loob ng Navotas Police Station sa M. Naval St., Brgy. Sipac-Almacen.
Si Saligumba ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong September 28, 2022 ni Judge Maria Ella Cecilla Dimaandal Dumlao-Escalante ng MeTC Branch 36, Quezon City para sa kasong Ecological Solid Waste Management act of 2000.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA