
BAGSAK sa kulungan ang 43-anyos na kelot na gumagala sa dis-oras ng gabi habang may bitbit na baril sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.
Nagsasagawa ng regular na pagpapatrulya ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Barangay Bagong Silang nang lapitan sila ng isang residente sa lugar at isinumbong ang pabalik-balik na paglalakad ng suspek na si alyas “Bakal” habang may bitbit na baril.
Kaagad tinungo ng mga operatiba ng Caloocan Police Sub-Station 12 ang lugar kung saan nakita nila ang suspek habang nakasukbit pa sa baywang ang kanyang baril kaya agad nila itong pinalibutan sabay pakilala bilang mga pulis.
Hindi naman pumalag ang suspek nang sunggaban ng mga pulis ang kanyang baywang ang nakasukbit na kalibre .38 revolver na may kargang tatlong bala at walang kaukulang mga dokumento.
Ani Col. Canals, kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act in relation to Omnibus Election Code ang isasampa nila laban sa suspek sa Caloocan City Prosectuor’s Office.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO