SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos damputin ng pulisya nang maghasik ng takot makaraang magwala habang may bitbit na baril sa Valenzuela City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591 o ang Comprehensive Frirearms and Ammunation Regulation Act ang naarestong suspek na si alyas “Aries”, 25, at residente ng Bulacan.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Detective Management Unit (DMU) ng Valenzuela police hinggil sa isang lalaki na nagwawala at may bitbit umanong baril sa Alley ng Flaviano St., Brgy, Karuhatan.
Kaagad namang rumesponde sa nasabing lugar ang mga tauhan ng DMU kung saan nakita nila ang suspek na may hawak na baril at gumagawa ng kaguluhan na nakaisturbo at nagdala ng takot sa mga residente sa lugar.
Gayunman, nang mapansin ng suspek ang kanilang presensya ay agad nitong sinukbit sa kanyang baywang ang hawak na baril subalit, hindi na siya nakapalag nang sunggaban ng mga pulis dakong alas-4:20 ng madaling araw.
Nakumpiska sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala kung saan nang hanapan siya ng papeles hinggil sa ligaledad ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR