Rehas na bakal ang kinahantungan ng isang lalaki matapos pasukin at pagnakawan ang kanyang kapitbahay sa MalabonCcity, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Rolly Valeroso alyas “Toyo”, 38, walang trabaho ng 141 Melon Road, Brgy. Potero.
Sa imbestigasyon nina PSSg Michael Oben at PCpl Renz Marlon Baniqued, dakong alas-2 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng kapitbahay na si Jenelyn Laota, 30, sa pamamagitan ng pagsira ng plywood na nagsilbing harang.
Naghalungkat ang suspek sa loob ng bahay saka kinuha nito ang P10,000 cash at cellphone ng biktima na nasa P6,999 ang halaga subalit, nakita siya ng dalaga at sinita.
Gayunman, hindi siya pinansin ng suspek at mabilis na tumakbo saka tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang humingi naman ng tulong ang biktima sa Malabon Police Sub-Station 1.
Sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng SS-1 sa pangunguna ni PEMS Darwin Ferrer ay naaresto ang suspek subalit, hindi na nabawi ang pera at cellphone ng biktima.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY