
ARESTADO ang isa sa dalawang kawatan ng motorsiklo makaraang tangakin kikilan pa ang biktima kapalit ng pagtuturo sa kinaroroonan ng kanyang motorsiklo sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nahaharap sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 at Attempted Robbery Extortion ang suspek na si alyas “Mark”, 33, delivery rider ng Malolos, Bulacan habang tinutugis pa ang kasabuwat niyang si alyas “Baning” ng Muzon, San Jose Del Monte, Bulaca.
Sa ulat ni Col. Cayaban kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, ipinarada sandali ng biktimang si alyas “Eldrin”, 33, sa harap ng kanilang bahay sa Brgy. Karuhatan alas-5 ng madaling araw ang kanyang Yamaha Aerox na motorsiklo para kuhanin ang nalimutan niyang gamit.
Nang pagbalik niya, nakita ng biktima na sinakyan na ang kanyang motorsiklo ng isang lalaki at pinaandar kaya tinangka niyang humabulin subalit. hinarang ni alyas Mark na sakay ng Yamaha NMAX at pinakitaan ng baril.
Sa takot, hindi na siya humabol at sa halip ay himingi siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-post sa kanilang group chat hinggil sa pangyayari.
Ilang oras lang ay may nag-mensahe na sa kanya na nagpakilalang Francis Cohh na humihingi ng P13,000 na kalaunan ay ibinaba sa P10,000 kapalit ng pagtuturo sa kinaroroonan ng kanyang motorsiklo at ipinadala pa sa biktima ang video ng kanyang motorsiklo at mga dokumento.
Dito na humingi ng tulong sa pulisya ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas Mark nang tangkain i-cash out ang pera na ipinadala ni “Eldrin” at nakumpiska sa kanya ang gamit na motorsiko at cellular phone.
More Stories
NSC NAALARMA SA PAGKAKAARESTO SA 3 PINOY SA CHINA NA INAKUSAHANG ESPIYA
PLAKANG ‘8’ SA VIRAL ROAD RAGE PEKE RAW
Miyembro ng criminal gang, tiklo sa pagbebenta ng baril