
Swak sa kulungan ang isang lalaki matapos tangayin ang nakaparadang Japanese bike ng kanyang ka-barangay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong Theft ang naarestong suspek na kinilalang si Lenard De Olazo, 21 ng Hugnatan St., Brgy. Concepcion.
Sa report nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Diego Ngippol kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-5:30 ng hapon nang iwan nakaparada ni John Eduard Villavicencio, 20 sa labas ng kanilang bahay sa 127 Burgus St., Brgy. Concepcion ang kanyang Japanese bike na nasa P2,000 ang halaga.
Nang lumabas ang biktima makalipas ang ilang minuto, nakita nito na sakay na ng suspek ang kanyang bisikleta na naging dahilan upang agad niyang inireport ang insidente sa mga barangay official.
Habang nagpapatrulya ang mga barangay tanod dakong alas-6:30 ng gabi, naispatan nila ang suspek na naging dahilan upang arestuhin nila ito at nabawi ang bisikleta ng biktima.
More Stories
Bagong gawang tulay sa Isabela, gumuho; 6 sugatan
Comelec nagsampa ng cybercrime complaint vs Isabela Vice Mayoral bet
2 Russian Nationals scuba divers inatake ng pating patay sa Batangas City