SWAK sa kulungan ang isang umano’y tulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Paquito Dulay, 43 ng Block 9 Lot 43 Phase 2 Area 3 Brgy. Longos.
Ayon kay Col. Tamayao, nakatanggap ng impormason ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng shabu ng suspek kaya’t isinailalim ito sa surveillance operation.
Nang makumpirma ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Capt. Venchito Cerillo ang buy-bust operation kontra sa suspek sa Hito St. Brgy. Longos kung saan nagawang makapagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na poeur-buyer kay Dulay ng P500 halaga ng shabu.
Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad siyang inaresto ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 11.28 gramo ng shabu na may standard drug price P76,704.00 ang halaga at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA