Kulungan ang kinabagsakan ng isang lalaki matapos makuhanan ng baril at shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Joel Manasala, 46 at residente Brgy. 177 ng lungsod.
Ayon kay Col. Lacuesta, habang nagsasagawa ng visibility patrol sa harap ng isang convenience store sa Cielito Subdivision, Brgy. 177 ang mga tauhan ng Sub-Station dakong alas-11:20 ng gabi nang maispatan nila ang suspek na gumagala sa lugar at may nakaumbok sa kanyang baywang.
Nilapitan siya ng mga pulis upang i-verify at nadiskubre na isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala ang nakasukbit sa baywang ng suspek at nang hanapan ng kaukulang dokumento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay wala siyang naipakita.
Pinosasan ng mga pulis ang suspek at nakuha pa sa loob ng dala niyang isang camouflage sling bag ang apat heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 4.3 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P29,240.00.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A. 10591 (illegal possession of firearms and ammunition).
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?