
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 23-anyos na wanted sa paulit-ulit na pagmamalupit sa menor-de-edad na biktima makaraang matunton ng pulisya sa pinagtagugang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Hindi na nakapalag si alyas “Roger” nang masukol ng mga tauhan ni Valenzuela Acting Police Chief P/Col. Relly Arnedo sa kanyang pinagtaguang lugar sa Brgy. Marulas, dakong alas-6:15 ng gabi.
Maayos na naisilbi ng kapulisan ang warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 270 kay alyas Roger para sa mga kasong tatlong bilang na pagmamalupit sa batang biktima sa ilalim ng R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at isang bilang na paglabag sa R.A, 9262 o ang Anti Violence Against Woman and Their Children Act..
Sa ulat ni Northern Police District Public Information Office (NPD-PIO) Head P/Lt, Marcelina Pino, umaabot sa kabuuang halagang P243,000.00 ang inilaang piyansa ng hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Nagpaabot naman ng pagbati si P/BGen. Josefino Ligan, ang Director ng NPD sa Valenzuela Police sa kanilang mabilis na aksiyon na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na nakapiit ngayon sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela Police Station habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail.
More Stories
Impeachment Hindi Dapat Ginagawang Opsyonal
Bigas Bagsak Presyo! P20 Kada Kilo Lumalawak na — PSA
UP Law Profs sa Senado: Impeachment ni VP Sara Ituloy