KULONG ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Crisanto Natividad alyas “Antoy”, 29 ng 36 Gen. San Miguel St., Brgy. 8 ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga Sangandaan Police Sub-Station 4 na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril ang suspek kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang report, kaagad nagsagawa ng paghalughog ang mga tauhan ng SS4 sa pangunguna ni Acting Commander P/Cpt. Bernard Libunao sa bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Judge Glenda K. Cabello-Marin, Executive Judge ng Regional Trial Court, Branch 124 ng Caloocan City, dakong alas-2:30 ng hapon.
Dito, nakumpiska ng mga pulis sa loob ng bahay ng suspek ang isang cal. 38 revolver na kargado ng apat na bala at nang wala siyang maipakita na kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing armas ay pinosasan siya ng mga parak.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 28 of R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act).
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW