December 25, 2024

KELOT GULAPAY SA 4 AKYAT-BAHAY SA CAVITE

Masuwerteng nakaligtas sa mga kamay ng apat na miyembro ng akyat bahay ang isang biktimang lalake at nakahingi  ng tulong sa mga nagroronda na Bantay Bayan bandang 3:30 ng hapon nuon araw ng Sabado sa Barangay Panapaan 5 ng Bacoor City sa Cavite.

Kinilala ang biktima na si Hercules Bernaldez, 48, may asawa tubong Bacacay, Albay habang nakilala naman ang isa sa mga suspek na nadakip na si alya “Kim”, 19 anyos at parehong mga residente sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa salaysay ng biktima sa mga awtoridad ng Bacoor City Component Police Station sapilitan umanong pumasok ang mga suspek sa kanyang bahay saka iginapos at  sinaktan umano siya ng mga suspek at ikinulong sa kanyang kuwarto, bago isa isang nilimas ang kanyang mahahalagang gamit at pera tulad ng mga ATM cards, Huwawei P20 Pro cellphones na nagkakahalaga ng P50,000., P15,000.cash money at Passbook na may laman na P2,000.000.

Masuwerte naman nakatakas ang biktima ng mapag-alaman niya na umalis ng kanyang bahay ang tatlo sa mga suspek at mabilis na nakahingi ng saklolo at agad na naaresto ang naiwang suspek na si alyas “Kim”.

Nabawi naman sa suspek ang isang bag na may laman na drone worth P60,000. at anim na piraso ng mga kandila na nagkakahalaga ng P33,120.00. Mahaharap sa kasong Robbery, Illegal Detention at Physical Injuries ang nakakulong ng suspek sa Bacoor City Component Custodial Facility at nagpapatuloy ang isinasagawang follow up at manhunt operation sa tatlong iba pang mga suspek na nkatakas.(KOI HIPOLITO)