KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang 24-anyos na lalaki habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat matapos makuhanan ng baril at P68K halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni PLt Col. Robert Sales, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang naarestong suspek na si Jeric Evangelista alyas “Moymoy” ng Sawata, C3 Road, Brgy 28, Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Sa kanyang report kay NPD Director Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni PLt Col. Sales na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant na nagbebenta umano ng baril ang suspek kaya isinailalim nila ito sa surveillance.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng DSOU ang buy-bust operation sa Blk 15, Hasa- Hasa Street, Brgy. Longos, Malabon City dakong alas-11:45 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto kay Evangelista matapos bentahan ng isang cal. 38 revolver ang isang pulis na nagpanggap na buyer habang nakatakas naman ang kasabwat nito na si Daniel Soria, 20, nang matunugan na pulis ang kanilang ka-transaksyon.
Bukod sa cal. 38 revolver na may anim na bala, nakumpiska din ng mga operatiba kay Evangelista ang buy-bust money na isang tunay na P1,000 bill, kasama ang 6-pirasong P1,000 boodle money, sampung heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000.00 at itim na belt bag.
Nahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW