SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos maaresto ng pulisya na pagala-gala habang armado ng baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni District Intelligence Division (DID) chief P/Col. Alex Daneil ang naarestong suspek na si Aldrin Daques, 36 ng V. Cruz Tabing Dagat, Tangos North, Navotas City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi Col. Daneil na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang confidential informant na pagala-gala umano ang suspek habang armado ng baril sa kahabaan ng Rizal Avenue corner 2nd Avenue.
Kaagad nagtungo ang mga operatiba ng DID-IOS sa pangunguna ni P/Cpt Glenn Mark Villa sa nasabing lugar at naabutan nila ang suspek kaya agad nilang kinumpiska ang dala nitong baril na isang cal. 22 na may anim na bala dakong alas-5:20 ng madaling araw.
Nang hanapan siya ng kaukulang mga dukomento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay walang maipakita ang suspek kaya inaresto siya ng mga pulis at kakasuhan ng palabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?