CLARK FREEPORT— Arestado ang isang suspek dahil sa kasong robbery extortion at estafa sa Angeles City sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Clark Development Corporation (CDC) Security Services Group (SSG) sa pakikipagtulungan sa Criminal Investigation and Detection Group-PNP (CIDG) Regional Field Unit III (RFU3).
Ayon sa imbestigasyon ng CDC-SSG, kinilala ang suspek na si Carlo Trinidad Pe, na nagpanggap na empleyado ng CDC upang mangikil ng pera mula sa isang Gennievive Austrua ng JJJ-A Construction, kapalit ng pabor sa bidding ng isang CDC infrastructure project.
Dahil sa hinihinging pera ni Pe, kinontak ni Austria CDC upang beripikahin ang totoong pagkakilanlan ni Pe. Nang makumpirma na hindi konektado o walang kaugnayan si Fe sa state owned firm, isinumbong niya ito sa concerned units ng CDC.
Kasunod ng reklamo ni Austria, nakipag-ugnayan agad ang CDC-SSG na pinamumunuan ni PBGen. Sheldon G. Jacaban (Ret.), sa CIDG Field Unit 3 at inorganisa ang isang entrapment operation para maaresto si Pe.
Naging posible ang operasyon sa pamamagitan ng pagsisikap nina CDC SSG Security Consultant PLTCOL. Danilo S. Morzo (Ret.) at PLt. Jesus Meimban ng CIDG.
Nang maaresto, nakumpiska kay Pe ang ilang ebidensiya kabilang ang isang piraso ng P1,000 bill (marked money), 20 piraso ng P1,000 (boodle money), isang itim na wallet, isang asul na Huawei mobile phone at mga identification cards.
Nasa kustodiya na ngayon ng CIDG Angeles City Field Unit si Pe para sa wastong dokumentasyon at disposisyon ng kaso.
Mahaharap siya sa mga kaso sa Angeles Prosecutor’s Office dahil sa paglabag sa Article 293 na may kaugnayan sa Article 294 of the Revised Penal Code of the Philippines o mas kilala bilang Roberry Extortion.
Noong Pebrero 2021, kinasuhan din si Pe ng kasong Estafa dahil sa umano’y panggagantso ng P900,000 mula sa isang Joanna Marie Montoya.
More Stories
Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving
PROSESO NG BIDDING PARA SA PAGPAPATAYO NG BAGONG CRUISE PORT SA PUERTO GALERA, SINIMULAN NA
Rider na walang helmet, huli sa shabu sa checkpoint