Sa kanyang pagbabalik upak sa lona, maaaring makaharap ni Kell Brook ang dalawa sa matitikas na boxers sa kanyang dibisyon.
Ito ay sa katauhan ni WBO welterweight champ Terence Crawford at WBA champ Manny Pacquiao.
Ayon sa ulat, nakahilera ang dalawa na posibleng makaharap ni Brook sa Nobyembre
Kungmatatandaan, galing sa 14-month lay-off ang British boxer. Nang bumalik siya sa ring noong February 2020, pinatulog nito si Mark DeLuca sa Sheffield.
Target ni Brook sina Crawford at Pacquiao pagkatapos ng bigong negosasyon. Ayon kay Top Rank boss Bob Arum, naka-lined up si Brook na ilaban kay Crawford.
Gayunman, nasama ang pangalan ni Sen. Pacquiao sa listahan. Ito ay kung di uubra ang Brook-Crawford negotiation.
Inihayag ni Arum na target talaga ni Crawford na labanan si Pacquiao. Gayundin si WBC at IBF welterweight champ Errol Spence Jr. Ikatlo ay si Brook.
‘I talked to the Brook people today, and they know what the situation is.’
‘They will be back to us. They assured me that Brook has lost a lot of weight and is in tremendous condition,” ani Arum.
“Terence Crawford, we’re trying to put together a fight with Manny Pacquiao, which would be out of the United States.’
“If we’re about to do that, then that’s the fight I’m hoping to put together.’
“But if we’re not able to do that because of the virus, which affects them, no matter how much oil they have.
“If we have to do it in The Bubble, we’re looking at Terence possibly fight Kell Brook,’ dagdag ni Arum.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!