January 4, 2025

KAYAMANAN NG POGO HAHABULIN NG OSG

KAKANSELAHIN ng Office of the Solicitor (OSG) ang lahat ng pekeng birth certificate at hahabulin ang kayaman na mga foreign national na nagtatrabaho sa POGO.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra na hindi nagtatapos ang kanilang mga pagsisikap laban sa mga POGO matapos ang pag-alis ng mga dayuhang POGO wokers nitong Disyembre 31, 2024, ang itinakdang deadline ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

kinumpirma ni Guevarra na sangkot ang kanyang tanggapan sa pagpapatupad ng maayos na pagsasara ng POGO operations, at kanilang tututukan ang mga property at iba pang assets na naiwan ng mga POGO.

“The OSG’s massive post-POGO tasks will consist of cancelling all certificates of birth fraudulently acquired by aliens or foreign nationals and forfeiting their illegally acquired real properties and other assets in the Philippines,” ayon kay Guevarra.

Pero nang tanungin kung magkano ang kabuuang halaga ng POGO assets na isasailalim sa sequestration o pagsamsam at forfeiture cases ng gobyerno, inamin naman ni Guevarra na wala pa silang eksaktong numero hinggil dito.

“At this time, we have no definite figures on the aggregate value of these assets. The first order of the day is to take possession of and control over them,” paliwanag ng OSG chief.

Ipinahayag na dati ni Executive Secretary Lucas Bersamin na gagawin lahat ng pamahalaan para bilisan ang proseso sa pagsamsam sa mga property at iba pang assets ng mga ipinasarang POGO.

Ngunit aminado ang opisyal na mabagal ang proseso kahit na mayroon nang mga batas sa bansa hinggil sa pagsamsam ng mga ari-arian.

Tinitingnan naman ng Senado at Kongreso ang posibleng pagpasa ng isang batas na magbibigay ng kapangyarihan sa pamahalaan para samsamin lahat ng POGO assets. Sa panukala, iti-take over ng gobyerno ang lahat ng gusali, mga materyales, kagamitan at iba pang ari-arian ng mga ilegal na POGO.