September 19, 2024

Kaya pumayat, Rhian Ramos ‘broken hearted’

Diretsahan sinagot ni Rhian Ramos ang mga netizen matapos mapansin na tila nasobrahan ang pagpayat ng kanyang katawan.

Pag-amin ng aktres na pumayat siya dahil sa sobrang stress kabilang na rito ang nangyaring hiwalayan sa kanyang Israeli businessman BF na si Amit Borsok, na nakilala niya sa Amerika noong ito’y nagdesisyong manirahan muna doon habang naka-break sa showbiz para mag-aral.

Sa isang vlog noong Setyembre 24, sinabi ng aktres na sa kalagitnaan ng paglipat sa bagong condo, siya at ang kanyang boyfriend ay naghiwalay.

“It was so hard. I had a really hard time, guys. And not just ’cause I was brokenhearted and shattered, but other things in my life were giving me a lot of stress,” aniya.

Ipinaliwanag ni Rhian na lumipat siya ng lugar upang makapagsimula ulit para hindi malantad ang kanyang mommy sa coronavirus. Ang stress na iyan at ang nangyaring break up ang naging dahilan ng kanyang pagpayat.

“I was in so much pain and so much stress. I couldn’t get out of my bed, I wasn’t eating right. I couldn’t eat. Nothing tasted like anything…. I was under so much stress that my body basically started eating itself,” wika niya.

“Now everyone thinks that I did this to myself on purpose. I really didn’t. I was just having a really hard time.”

Ayon pa kay Rhian ito ang unang pagkakataon na inayos niya ang kanyang sarili na walang iniisip na iba.

“Yes, I’ve seen a mirror. Yes, I’ve lost a lot of weight, and to those of you who share your concern, yes, I appreciate it, I am gonna be okay in my own time. It’s just important that I process these things for myself now, so I don’t take them with me in the future,” aniya.

Ibinahagi niya na ginagawa niya ang lahat upang mapangalagaan ang sarili, tulad ng pagpunta sa Bible studies dalawang beses sa isang linggo, at kumain ng 3 beses sa isang araw at nakatutulog na rin siya ng lima o anim na oras sa isang gabi.

May iniwan ding mensahe si Rhian sa mga nagkokomento kung saan sinabihan daw siya kung gaano siya kapangit at ka-disgusting.

“Shame on you guys,” aniya.