Sa mga naging dating pangulo ng bansa, si Rodrigo Duterte ang nagpahina sa posisyon ng bansa laban sa China.
Sa Kapihan sa Manila Hotel, tinanong si retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kung sino sa mga nakaraang chief executives ang pinaka-nagtaguyod sa posisyon ng bansa sa South China Sea at may pinakaraming ginawa para pahinain ang tindig ng bansa.
Si Carpio ay naging chief presidential leagal counsel sa ilalim ni Pangulong Fidel Ramos, nang itatag ng Pilipinas ang LS-57 BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Aniya, dapat alalahanin si Pangulong Benigno Aquino III na siyang gumawa ng ligal na hakbang laban sa China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, na nagresulta sa pagbasura sa nine-dash line claim ng China.
“The President who did the most was the President who filed that case—that’s PNoy. We thank him for that. And the guy who did the most to ignore the award is, of course, Duterte. He said it was just a piece of paper,” ayon kay Carpio.
“He parroted the Chinese Communist line that it is just a piece of paper to be thrown to the waste basket. He actually parroted it,” saad niya.
Naging mas agresibo ang China dahil bukod sa pagtatayo ng mga building structure sa pinag-aagawang teritoryo, ay nagawa pa nitong mang-harass, harangin at kamakailan lang ay atakehin ang Philippine vessel sa isa sa mga resupply mission nito sa Ayungin Shoal.
Matatandaan na sinabi ni Duterte na itinuturing niyang kaibigan ang China.
“China is a friend, personally I am [friends] with President Xi Jinping, but I would state now that I do not agree with the 10-dash line,” saad ni Duterte.
“As far as I’m concerned, our territory is non-negotiable … friendship is one, alliance is another one, but the territory itself must be ours,” dagdag pa ng dating Pangulo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA