WASHINGTON, United States – Nakikipaglaban ngayon sa sakit na kanser si Timothy Ray Brown, ang Amerikano na nakilala bilang “the Berlin patient” na kauna-unahang tao na gumaling sa HIV noong 2008.
“Timothy is not dying from HIV, just to be clear,” sambit ng kanyang partner na si Tim Hoeffgen sa aktibista at writer na si Mark King.
“HIV has not been found in his bloodstream since he was cured. That’s gone. This is from the leukemia. God, I hate cancer,” dagdag pa ni Hoeffgen.
Saad ni King sa AFP, nakausap niya ang couple sa telepono noong Sabado. Naka-hospice care ngayon si Brown, 54, sa kanyang tahanan sa Palm Springs, California.
“I’m going to keep fighting until I just can not fight any more,” saad ni Brown kay King.
Nakagawa ng medical history si Brown at nagbigay pag-asa sa 10 milyong katao na may AIDS matapos nitong gumaling isang dekada na ang nakalilipas.
Nag-aaral pa siya sa Berlin noong 1995 nang matuklasan niya na siya ay infected ng virus. At noong 2006 na-diagnose siya sa leukemia o kanser na nakaaapekto sa dugo at bone marrow.
Upang gamutin ang kanyang leukemia, gumamit ang kanyang doktor sa Free University of Berlin ng isang stem cell transplant mula sa donor na may genetic mutation na nagbigay sa kanya upang maging resistant sa HIV.
Naging masakit at mapanganib ang naging proseso, subalit ito’y naging matagumpay: Noong 2008 idineklara ni Brown na siya ay ligtas sa naturang sakit.
Makalipas ang dalawang taon, nagpasya itong basagin ang kanyang katahimikan kaugnay sa kalagayan ng kanyang kalusugan at nagtayo ng sariling foundation.
“I am living proof that there could be a cure for AIDS,” saad naman niya sa AFP noong 2012. “It’s very wonderful, being cured of HIV.”
Noong nakaraang taon, inanunsiyo na isa pang pasyente ang gumaling sa HIV na kinilalang si Adam Castillejo na tinawag namang “the London patient.”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA