January 23, 2025

Kauna-unahang pig-to-human kidney transplant naging matagumpay

Matagumpay ang operasyon sa isang 62-anyos na lalaki na mayroong end-stage renal disease matapos ang ginawang kauna-unahang kidney transplant kung saan kidney ng baboy ang inilagay na hindi basta-bastang baboy lang kundi isang genetically modified pig.

“The four-hour surgery, performed on March 16, marks a major milestone in the quest to provide more readily available organs to patients,” ayon sa mga doktor ng Massachusetts General Hospital sa Boston.

Bumubuti na ang kalagayan ng pasyente na si Richard Slayman ng Weymouth, Massachusetts at inaasahang makakalabas na ng ospital.

Matagal nang interesedo ang mga eskperto sa long-term results ng groundbreaking ng animal-to-human transplant, ayon kay Dr. Jim Kim, director ng kidney and pancreas transplantation ng USC Transplant Institute sa Los Angeles.

Dumaan na rin si Slayman sa transplant ng human kidney sa parehong ospital noong 2018 matapos ang pitong taon ng dialysis, subalit pumalpak ang organ matapos ang limang taon at muli niyang ipinagpatuloy ang dialysis treatments.

Ang naturang kidney ay ipinagkaloob ng eGenesis ng Cambridge, Masschusetts, na mula sa isang baboy na genetically edited para tanggaling ang genes na makakasama sa human recipients at nagdagdag ng ilang human genes para i-improve ang compatibility. Tinanggal din ng kompanya ang mga virus na mayroon sa mga baboy upang hindi makaapekto sa mga tao.

Naging matagumpay din ang ginawang kidney transplant ng mga edited pigs na inalagaan ng eGenesis para ilipat sa mga unggoy, kaya’t nanatili itong buhay sa loob ng 176 days at mayroon pang isang kaso kung saan tumagal ito ng higit sa dalawang taon, ayon report ng mga mananaliksik noong Oktubre sa journal Nature.

May ilang gamot na ginamit para makatulong na maiwasan ang rejection ng pig organ sa immune system ng pasyente kabilang ang experimental antibody na tinatawag na tegoprubart, na dinevelop ng Eledon Pharmaceuticals ELDN.O.

Drugs used to help prevent rejection of the pig organ by the patient’s immune system included an experimental antibody called tegoprubart, developed by Eledon Pharmaceuticals ELDN.O.

Kidneys from similarly edited pigs raised by eGenesis had successfully been transplanted into monkeys that were kept alive for an average of 176 days, and in one case for more than two years, researchers reported in October in the journal Nature. Ang tawag sa pag-transplant ng animal organs sa tao ay xenotransplantation, na isang mabisang paraan para malutas ang kakulangan sa human organ donations na kung saan mahigit 100,000 Americans ay nakapila na sa waiting lists para sa organ transplants. saad ni Dr. Robert Montgomery, director ng NYU Langone Transplant Institute.

Ayon sa mga eksperto, challenging para sa kanila ang xenotransplant dahil kikilos nang husto ang immune system ng pasyente sa pagharap sa isang foreign organ mula sa isang genetically modified pig.