November 5, 2024

KAUNA-UNAHANG  LIGA NG MGA BARANGAY SA ISANG DISTRITO SA LALAWIGAN NG BULACAN, INILUNSAD

Inilunsad ang kauna-unahang Liga ng 43  barangay mula sa tatlong bayan ng ikaanim na distrito sa Lalawigan ng Bulacan.

Tinawag na Congpleyto Cup 2024, ang Liga na sinimulan kahapon  ay dinaluhan ni Congreswoman PBA Party list Atty. Margarita Migs Nograles.

Naging katuwang sa katuparan ng palarong men and women’s  basketball at volleyball  ang magkapatid at anak ni Cong. Ador Pleyto at ang tatlong Alkalde ng Distrito #6 at mga barangay opisyal.

Naging malaking event at pinaghandaan ng bawat manlalaro  mula sa 43 barangay na libre lahat ng gastusin at uniform mula sa tangapan ni Cong.  Pleyto.

Mismong si Cong Pleyto ang nanguna  sa plain and torch lightining relay bilang hudyat ng pag uumpisa ng lega na ginanap sa “Fortunato Halili, National Agricultural School ( FFHNAS) sa barangay Gugong.

Ipinakita ng mga muse ng bawat barangay ang kanilang katangian sa pagsagot at kakayahan sa pagpresinta sa kanilang barangay, kung saan ay tumangap ng 5,000 pesos ang 2nd runner up, ₱7,000 para sa first runner up at ₱10,000 sa champion.

Tumangap ng tig 3,000 pesos ang bawat muse at marami pang nag- aantay na malalaking pa premyo mula sa Kongresista parà sa bawat magwawaging  manlalaro.

Nagpaabot ng ₱100,000 si Gov. Daniel Fernando bilang karagdagang papremyo na tiniyak ng Kongresista na kanyang dodoblihin para mas sasaya ang mga atleta.

Samantala, tumataginting na ₱50-milyon ang inilaan sa magkakampeon sa  Congpleyto Cup 2024.