April 16, 2025

KAUNA-UNAHANG E-WALLET INILUNSAD NG PAL

Inilunsad ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang kauna-unahang e-Wallet kung saan maari nang pagsamahin ng mga pasahero ang kanilang multiple PAL e-Cards sa iisang account.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, maaring pagsamahin sa PAL e-Wallet account ang mga PAL e-Card tulad ng PAL e-Gift Card, Dear PAL Miles e-Card, Travel Credits, at Compensation e-Cards o mga voucher.

Dagdag pa nito na maari ring gamitin itong bagong digital wallet bilang alternatibong paraan ng pagbabayad para sa pagbili ng PAL tickets at  karagdagang serbisyo ng PAL, maliban sa Travel Insurance and Upgrade.
 “We are proud to launch and offer the PAL e-Wallet, the latest addition to our offerings that highlights our efforts to continuously upgrade the passengers’ digital experience.  This user-friendly feature benefits travelers who prefer paperless transactions and real-time updates in just one click,” ayon kay PAL Vice President for Sales and Distribution Justin Warby.

Aniya, maaring gumawa ang mga biyahero ng kanilang PAL e-Wallet account sa https://ewallet.philippineairlines.com/ at bisitahin ang https://ewallet.philippineairlines.com/en-ph/terms para sa karagdagang detalye.


“The other key features of the PAL e-Wallet include the flexibility to auto-currency conversion upon adding e-Cards to the e-Wallet, the built-in expiration logic for e-Card utilization that ensures passengers get the full value of e-Cards by prioritizing expiring ones, and the name check feature for adding Travel Credits to the e-Wallet. All of these simplify the redemption process,” dagdag pa nito. ARSENIO TAN