Handang pakinggan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang paliwanag ng Sta. Lucia Realty (SLR). Ito’y matapos kumalas ang team sa Champions League. Nakatakdang gawin ang torneo sa November 20 sa Lipa City.
Ayon kay PNVF board member Ricky Palou, handa silang makipag-usap sa team. Sa gayun ay magkaliwanagan. Gayundin ang maipaliwanag ang panig nila. Kung saan, involved si Fil-Am spiker MJ Phillips.
Hinarang ng pederasyon ang paglalaro ni Philiips. Kasalukuyan pa kasing pending ang proseso nito ng kanyang International Transfer Certificate (ITC). Kung saan, inatasan ito na i-secure ang ITC at magbayad ng transer ee na $1,500.
Naglaro si Phillips sa national team sa AVC Asian Women’s Club Championship. Ayon naman kay Lady Realtors team manager Buddy Encarnado, hindi sila na-informed tungkol sa ITC. Kaya, nagwithdraw sila sa partisipasyon sa torneo.
Bunga nito, pinatawan ng PNVF ng P50,000 multa ang Lady Realtors dahil sa late withdrawal. Gayunman, handa ang una na kalimutan ang nangyari.
“It’s not the end of it. Both sides can still talk it out. We can both give our sides so we can reach an amicable agreement,” ani PVL president Ricky Palou.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!