NAGSAMPA ng kasong human trafficking ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ngayong araw laban kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., at dalawang iba pa dahil kanilang pagkakasangkot umano sa Lucky South 99 Corporation, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub na sinalakay sa Porac, Pampanga,
Sa supplemental complaint ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group, pinaratangan si Roque na di umano’y protektor ng illegal POGO sa bayan ng Porac, lalawigan ng Pampanga.
Bukod kay Roque, pasok din sa asunto sina Cassandra Li Ong, Ley Tan at Mercedes Peralta Macabasa.
“Based on the allegations of the supplemental complaint affidavit, it has something to do with the active participation of Atty. Roque in the furtherance of the illegal activity of Lucky South 99,” paliwanag ni Deputy City Prosecutor Darwin Cañete.
Bago pa man ang paghahain ng kasong kriminal, pakay ng mga tracking team ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang dating tagapagsalita ng Palasyo bunsod ng mandamiento de arresto na inilabas ng Kamara. Sa ilalim ng umiiral na sistema ng husgado, walang piyansa ang kasong human trafficking na isinampa laban kay Roque.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA