Kasalukuyan umanong nakakulong sa Quezon City Jail quarantine facility sa Payatas ang dating mamamahayag at talk show host na si Jay Sonza dahil sa nahaharap na dalawang kaso laban sa kaniya.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jayrex Bustinera, Martes, Agosto 15, kinumpirma niyang nakapiit ngayon si Jose Yumang Sonza o mas kilala bilang Jay Sonza, sa kasong estafa at syndicated and large scale illegal recruitment.
Sang-ayon pa rin sa ulat, bago umano mabilanggo sa QC Jail, kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Asst. Director Glenn Ricarte na napunta sa kanilang kustodiya si Sonza matapos umanong pansamantalang ma-detain at arestuhin ng Bureau of Immigration (BI), dalawang linggo na ang nakalilipas.
Patungo raw sanang Hong Kong si Sonza nang mapag-alaman ng BI na may kinahaharap siyang kaso rito sa Pilipinas. Dumating ang active warrant sa kaniya kaugnay ng mga kaso, at saka umano inilipat sa kustodiya ng NBI, hanggang sa dalhin na nga umano sa kulungan.
Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang tugon o pahayag ang kampo ni Sonza tungkol dito.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA