Nagpakita ng suporta ang Gilas Pilipinas kay Lebanese basketball legend Fadi El-Khatib.Nagpaabot ng mensahe si dating Gilas coach Chot Reyes at Gilas guard Jimmy Alapag kay El-Khatib.
Nagpost kasi ito ng message kaugnay sa explosion sa Beirut na kumitil ng higit sa 100 katao at 4,000 sugatan.
Nasa basketball camp sa Dubai si El-Khatib nang malaman ang balita ng pagsabog.
“Sending you my prayers brother,”sabi Alapag sa comments section ni El-Khatib sa Instagram post.
Naging magkaibigan ang dalawa buhat nang magdebut si Alapag sa FIBA Asia noong 2007 sa Tokushima, Japan.
Naging markado ang 40-anyos na si El-Khatib nang tanungin nito kung bakit wala sa roster ng Gilas si Alapag sa kampanya nito sa 2009 FIBA Asia tilt sa Tianjin, China.
“Hoping (and) praying you (and) your family are ok, Fahdi,” sabi naman ni coach Reyes.
Samantala, nakisimpatiya rin sa nangyari sa Lebanon si Gabe Norwood at Iran star Hamed El-Haddadi. Nagpost ang dalawa ng pray emoji sa post ni El-Khatib.
Isa si El-Khatib sa markadong pangalan sa Asian basketball. Kung saan, pinangunahan nito ang Lebanon sa 2006 FIBA World Championship sa Japan.
Nagwagi rin ang Lebanon ng 4 na FIBA Asia Champions Cup sa era ni El-Khatib sa clubs na Sagesse at Al-Riyadi.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!