
KUNG hindi kami nagkakamali, last February 2, 2024 Friday ay pumirma ng muli ng kontrata itong si Kathryn Bernado sa ilalim ng Star Magic.
Nauna lang siya sa ka-loveteam niyang si Daniel Padilla, na muling pumirma ng kontrata sa Star Magic ng ABS-CBN.
“Hindi maaaring basta na lamang talikuran ni Kathryn Bernado ang Star Magic ng ABS-CBN, dahil malaki ang kanyang utang na loob sa nasabing kumpanya.
“Kung hindi dahil sa kanila ay walang sikat na KathNiel loveteam ang tinatangkilik ng mga televiewers at mga moviegowers, kaya hindi basta-bastang iiwan ni Kathryn ang Star Magic. “Kung magsama mang muli sa isang movie project ang KathNiel loveteam, ito’y gawa ng Star Magic. Pero walang balikang magaganap, at ginagalang naman iyon ng management ng Star Magic,” pagtatapos pa ng aking source.
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’