
NAG-RENEW na ng kontrata itong si Kathryn Bernado, sa ABS-CBN Channel at sa Star Magic. Pero may demand na nakasaad sa nasabing kontrata at, ito iyong walang love team at ayaw niyang makasama si Daniel Padilla sa anumang project na kanyang gagawin.
“Kahit out naman si Daniel Padilla, dahil ayaw nga niya ng love team nila ni Deej ay may mga leading men naman na siyang nasa bucket list niya.
“Ito ay sina Alden Richards, Piolo Pascual at Jerico Rosales. Kita naman ang suporta ng tatlong ito dahil, binati nila si Kathryn dahil nanatili itong Kapamilya. “Gusto munang mag-pokus si Kathryn Bernado, sa mga serious role na kanyang maipagmamalaki ang kanyang husay sa pagganap bilang artista,” kwento pa ng aking source.
More Stories
COMELEC IBINASURA DQ CASE VS TULFO FAMILY
PAGKAMKAM NG CHINA SA PALAWAN, PINALAGAN NI GOITIA
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA