PINAPURIHAN ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., ang Katarungan Caravan na pinangunahan ng Department of Justice Action Center (DOJAC) sa pakikipagtulungan ng Public Attorney’s Office (PAO) at Legal Aid Society sapagkat ito ay tutugon sa legal na pangangailangan ng persons deprived of liberty (PDLs).
Sa patnubay ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla at pangangasiwa ni Undersecretary Margarita Gutierrez, mayroong 15 na abogado sa ilalim ng DOJAC na siyang magbibigay ng legal na serbisyo tulad ng drafting ng mga request ng mga kwalipikadong PDLS para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at parole, preparasyon ng indorsements sa BuCor at iba pang katulad na serbisyo.
Sinabi ni Catapang na ito ay magpapalakas sa “Bilis Laya Program” ng administrasyon at kasabay nito ay malaking tulong sa kanilang decongestion program.
Pinuri din ni Catapang ang naging kautusan ni Remulla noong Pebrero kung saan inatasan nito ang mga prosecutor ng mga criminal case na determinahin ang certainty of success o kaseguruhan ng pagkakapanalo ng kaso at kung hindi naman matitiyak ang conviction ay dapat agad magsumite ang prosecutor ng karampatang motion para mai-withdraw ang kaso.
“Ang BuCor nakakapagpalaya ng 500 to 1,000 PDLs monthly, yan yung mga acquitted, sentence served, paroled pero may mga darating naman doble or mas marami pa sa pinalaya namin, kaya talaga itong ginagawa ng DOJ ay napaka laking tulong sa amin,” masayang sambit ni Catapang.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA