December 25, 2024

KASUNDUAN SA AUTHORIZED ECONOMIC OPERATOR PROGRAM, SINELYUHAN NG PH, CHINA

NILAGDAAN ng Bureau of Customs (BOC) ng Pilipinas at General Administration of Customs of the People’s Republic of China ang Mutual Recognition Arrangement (MRA) para sa Authorized Economic Operator Program (AEO) sa naganap na state-visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China noong Enero 3-5, 2023.

Nilagdaan nina Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz at Chinese Minister of Customs Yu Jianhua ang agreement sa harap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at President Xi Jinping ng China.

Ang AEO Program ay isang partnership na isinusulong globally ng customs administration upang i-secure at i-facilitate ang kalakalan sa pamamagitan ng pagbibigay ng incentives sa traders na nakikipagtulungan sa customs administration upang paghusayin ang supply chain security.

Nagsilbi ang MRA bilang plataporma sa AEO programs upang magbigay ng karagdagang benepsiyo sa kanilang miyembro sa pamamagitan ng international recognition kasama ang partner countries.

Sa pangkahalahataan, kasama sa MRA benefits ang higher level ng facilitation sa cargo clearance, domestic at overseas; priority treatment kung ang kargo ay napili para sa inspeksyon; at expedited customs cargo clearance sa event ng trade disruption.

Masisiyahan ang AEO companies dahil mababawasan ang gastos dahil sa mas mahusay na predicatibility ng cargo movement.

Sa ilalim ng MRA, ang Level 2 Certified AEO members na accredited ng BOC na nag-e-export sa China ay bibigyan ng trade facilitation benefits.

Katulad nito, ang mga exporter sa Pilipinas na accredited bilang Advance Certified Enterprises sa ilalim ng panukala ng Enterprise Credit Management Programme ng GACC ay mabibigyan ng trade facilitation benefits ng BOC.

Ang bawat partido ay magde-develop ng isang implementation plan para sa recognition, trade facilitation benefits at exchange of information bago ang implementasyon nito anim na buwan mula nang lagdaan.