NAGHAIN ng kasong kriminal ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa alegasyon kaugnay sa pagkakasangkot nito sa illegal na Philippine Offshore and Gaming Operator (POGO) sa kanilang bayan.
Ayon kay DILG Undersecretary for External, Legal and Legislative Affairs Juan Victor Llamas, naghain ang interior department ng reklamo sa Office of the Ombudsman noong Myo 24. Sinabi ni Llamas na ang kanilang reklamo laban sa Bambam mayor ay pasok sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic No. 3019.
“‘Yung POGO na it was given a permit – kasi merong permit diyan eh – without the requisite, the necessary requisite. May kulang kasi sila na [requirement], pero binigyan pa rin ng permit… .And then, tapos nag-expire pa ‘yung kanyang PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) license, at the time na nag-expire ‘yan eh, hindi kasi nirerevoke ni Mayor ‘yung kanilang business permit,” ayon kay Llamas.
Aniya ni-revoke ng alkalde ang business permit matapos mag-expired ang lisensiya sa PAGCOR.“So ‘yung supervision ng mayor with regards to that POGO, ayun ang ano namin doon na hindi niya nagagampanan,” dagdag ng opisyal ng DILG.
Bukod kay Guo, sinabi ni Llamas kabilang din sa inirereklamo ang iba pang opisyal ng Bamban.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM