Nagsampa ng kasong kriminal sa piskalya ang isang senior citizen laban sa tumatakbong congressman ng 3rd District ng Caloocan na si Dean Asistio na nagbanta sa kanyang buhay matapos nitong suportahan ang kalabang kandidato.
Kasong grave threats, unjust vexation, slander at grave coercion, ang isinampa sa Caloocan City Prosecutor Office ni Melinda Bañaga Velarde, 61, laban kay Asistio.
Sa reklamo ni Velarde, dakong alas-6:00 ng gabi noong Abril 8 nang puntahan ni Asistio kasama si Carolina Ricafort Agustin at kanyang mga campaigner ang kanyang bahay.
Nakita raw ni Asistio ang mga poster ng kanyang kalaban na kandidato na nakasabit sa bahay ni Velarde.
Dito na nagalit si Asistio kay Velarde kung saan minura siya nito at pinagbantaan na ipadadampot.
“Putang ina Mo! Gago!” May paglalagyan ka sa akin! “Gusto mo padampot kita ngayon! Sabihin mo lang kung gusto mo. Ngayon din!” galit na sambit ni Asistio.
“Kapag ako nakaupo, humanda kayo sa akin! Hindi kayo makakahingi ng tulong maski ano,” dagdag pa nito.
Ayon kay Velarde, walang pakundangan ginawa ito ni Asistio sa harap ng mga anak ng mga kapitbahay na naglalaro sa bakanteng lote sa tabi ng kanilang bahay.
Gayundin sa harap ng kanyang 12-anyos na anak na nasa kanyang tabi habang hawak ang kanyang cellphone na videohan ang mga pangyayari.
Kinuwestiyon din daw siya ni Asistio kung bakit tumanggi ito na suportahan ang kanyang kandidatura at ipangako ang katapatan sa kanya sa kabila ng ibinibigay nitong tulong sa kanya sa pamamagitan ng DSWD.
Ayon kay Velarde, dahil sa matalas na pananalita ni Asistio, nangangahulugan na kaya niya itong ipakidnap o ipapatay kung hindi niya ito susuportahan.
“To my mind, how can Dean Asistio, an incumbent councilor for the City of Caloocan, be so hateful, vengeful, vindictive, and close-minded, to think that just because he helped me once, which was his duty as councilor to say the least. That I was already beholden to support his candidacy as if I longer had a free choice to choose the leaders, I believe in,” ani Velarde.
Inakusahan din ni Assistio si Velarde na sinisiraan siya nito para mabawasan ang kanyang taga-suporta na bagay na itinanggi ng huli.
Hanggang ngayon ay takot at pag-aalala ang nararamdaman ni Velarde dahil sa ginawang pagbabanta ni Asistio. Sinabi pa nito na nagkaroon din daw ng trauma ang kanyang 12-anyos na anak dahil sa pangyayari. AGILA NEWS TEAM
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA