December 24, 2024

Kasong kriminal isasampa sa korte… ONLINE SEX VIDEOS NG 3 MENOR DE EDAD NA ANAK IBINENTA NG INA

INAPRUBAHAN ng Department of Justice ang pagsasampa ng kasong qualified trafficking at sexual abuse and exploitation of children laban sa isang ina na ibinenta sa online ang live sex videos ng kanyang tatlong menor de edad na anak.

Ang kaso ay isasampa sa korte kaugnay sa criminal acts na nagawa ng ina, na kinilala sa DOJ resolution bilang si Jonalyn Rivera – na mas kilala bilang Jennica Maine – laban sa kanyang anak na itinago sa pangalangan bilang “AAA”.

Ang iba pang kaso laban kay Rivera ay may kaugnayan sa kanyang dalawa pang anak na itinago ang pangalan bilang “BBB” at “CCC” na sumailalim sa preliminary investigation noong Mayo 23 at 30. Hindi ibinunyag ng DOJ ang resulta ng imbestigasyon.

Sa ilalim ng batas, non-bailable offense ang qualified trafficking.

Nakasaad sa dispositive portion ng DOJ resolution na nilagdaan nina Prosecution Attorney Criselda B. Teoxon-Yanga, Deputy State Prosecutor Olivia I. Laroza-Torrevillas at  Prosecutor General Benedicto A. Malcontento na:

 “An information (criminal charge sheet) for violation of Republic Act No. 9208 or the Anti-Trafficking in Persons Act (Qualified Trafficking in Persons) as amended by Republic Act No.10364 committed against minor victim ‘AAA’ be fled against Jonalyn Rivera y Jordan.

“An information for violation of Republic Act No.11930 (Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) Act of 2022 committed against minor victim ‘AAA’ be filed against respondent Jonalyn Rivera y Jordan.

“The charge for violation of Republic Act No. 7610 as amended by Republic Act No. 9231 against repondent Jonalyn Rivera y Jordan is hereby dismissed.

“The charge for violation of Republic Act No. 9208 or the Anti-Trafficking in Persons Act (Qualified Traffikcing in Persons) as amended by Republic Act No. 10362 committed against minor victims ‘BBB’ and ‘CCC’ is hereby the proper subject of regular preliminary investigation to be conducted on 23 May 2024 and 30 May 2024….”
Inilabas ang resolusyon noong Mayo 9, 2024. Isang kopya at isang press briefer ang ibinigay sa mga journalists ng DOJ ngayong araw.

Naaresto si Rivera sa kanyang tinitirhan sa Mabalacat City, Pampanga noong Mayo 7 sa isinagawang entrapment operation ng mga operatiba ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).

Sa naturang operasyon, nasagip ng pulisya ang kanyang tatlong anak na may edad 12, 5 at 3, ayon sa DOJ.

Ayon sa DOJ, binidyuhan ni Rivera ang hubo’t hubad na anak na babae habang naliligo para ipanood sa kanyang mga customer kapalit ng $50.

Binanggit din nito na nagsasagawa ng live show si Rivera gamit ang Skype na paglabag sa RA 11930.

Nabatid mula sa PNP-WCPC, na Disyembre 2023 pa iniimbestigahan ng PNP-WCPC si Rivera matapos mapag-alaman ang illegal na aktibidades nito sa kanyang Skype account na ginamit ang pangalan na Jennica Maine.

Nagsagawa ng entrapment operation ang PNP-WCPC matapos mapag-alaman ang kinaroroonan ni Rivera.

“The government will never relent in fighting those who exploit these fragile treasures of society, they are the worst enemies of the State,” pagtitiyak ni DOJ Secretary Jesus Crispin C. Remulla.

Hinimok ni Remulla ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang ganitong uri ng mga aktibidad.

“We need the help of a vigilant citizenry to weed them out,” giit niya.