December 25, 2024

Kaso ng rabies tumaas ngayong tag-init – DOH

Hinimok ng Department (DOH) ang publiko na magdoble ingat laban sa rabies virus, dahil ito ang isa sa pinaka-common health concerns ngayong tag-init.

Ayon kay DOH spokesperson Eric Tayag, mayroon naitalang 84 kaso ng rabies sa Pilipinas ngayong 2024, na mas mataas kung ikukumapara sa parehong panahon noong 2023.

Ayon kay Tayag, common health concerns ngayong tag-init ang rabies, gayundin ang sunburn, sore eyes, skin diseases, ubo at lagnat at gastrointestinal issues.

Hinikiayat niya rin ang publiko na maging responsablent pet owners at kaagad humingi ng agarang medical attention kung nakagat o nakalmot ng hayop na mayroong taglay na rabies virus.

“Take care when you go out…put a leash or rope on the dogs so they won’t roam around, and make sure to have them vaccinated,” ayon kay Tayag.