November 3, 2024

KASO NG MANYAKIS NA GYMNAST DOC NA SI LARRY NASSAR, NA-MISHANDLED NG FBI

Ikinulong si former USA Gymnastics doctor Larry Nassar dahil sa pangmo-molestiya at sexual assault. Ayon sa ulat, ang kaso ni Nassar ay na-mishandled ng FBI.

May ilang taon na sa piitan si Nassar. Pero, may ilan pang naglutangan na reklamo at charges sa kanya. Na, di binibigyan ng pansin ng ahensiya.

Napatunayan sa korte na mahigit sa 100 kababaihang atleta ang ginawan nito ng pangmo-molestiya sa sa loob ng tatlong dekada nitong serbisyo sa USA Gymnastics.

Kabilang sa naging biktima ng manyakis na doktor sina olympic gold medallists McKayla Maroney, Aly Raisman at Gabby Douglas na member ng gymnastics team ng Estados Unidos.

Dahil sa iskandalong kinasangkutan ng doktor, nauwi sa forced resignation si USA Gymnastics chief Steve Penny noong Marso 2017.

Inakusahan kasi ng mga biktima ng kamanyakan ni Nassar si Penny na nagbubulag-bulagan sa mga pangyayari. At hindi man iniuulat sa otoridad ang pinagagagawang sexual abuse ng doktor

Ayon sa abogado ng mga biktima na si Atty. John Manly, umaabot umano sa 160 female athletes ang nabiktima ni Nassar. O mas higit pa rito. Isa na rito si Tokyo bound Simone Biles.