NADAGDAGAN pa nang halos 5,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Sabado ng hapon (August 1), umabot na sa 98,232 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 30,928 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,963 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nakuha ang mga datos mula sa 74 out of 94 licensed laboratories.
Nasa 17 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,039 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 93 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 65,265 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA