NAIDAGDAG ang 2,434 sa panibagong kaso sa bilang ng may coronavirus sa Pilipinas ngayong Linggo, Hulyo 5.
Dahilan para umakyat sa kabuang bilang na 44, 254 ang may kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health.
Sinabi ng kagawaran na 2,434 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 1,147 ang “fresh cases” habang 1,287 ang “late cases.”
“As the country continues to ease community quarantine measures, the rise in the number of cases today may be attributed to the increased contact among the population,” paliwanag ng kagawaran.
Nasa pito pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,297 na.
Ayon pa sa DOH, 489 pa ang gumaling sa bansa sa naturang sakit.
Dahil dito, umakyat na sa 11,942 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK