PATULOY na nadadagdagan ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (June 24), umabot na sa 32,295 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sinabi ng kagawaran na 470 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 357 ang “fresh cases” habang 113 ang “late cases.”
Nasa 18 na pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,204 na.
Ayon pa sa DOH, 214 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 8,656 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO