December 27, 2024

KASO NG COVID-19 HALOS 1M NA!

Bahagyang bumaba sa 8,162  kahapon ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 997,523 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 20,509 na bagong recoveries kung saan nasa 903,665. na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

Nasa 16,783 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 109.

Una nang iniulat ng independent group na OCTA Research na hindi malabong sumipa sa mahigit isang milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas bago matapos ang Abril.

“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” base sa report ng grupo.