Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 response na tanggalin na ang mandatory na pagsusuot ng face shield, ayon sa Malacañan.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ito’y dahil patuloy ang pagbaba ng COVID-19 case sa bansa.
“I can confirm that since the number of COVID-19 cases are going down, the IATF is discussing kung ipagpapatuloy pa ang pagsusuot ng face shield,” lahad ni Roque.
“While many are supportive of doing away with face shield, there is no decision yet. We should still wear a face shield,” aniya pa.
Matatandaan na niluwagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield, kung dati ay dapat na lagi itong suot, ngayon ay tuwing nasa indoor setting na lang at kapag nasa harap ng maraming tao.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE